January 6, 2012
Unang araw ng audition para sa PBB Teen Edition, dapat hindi ako papasok eh. Balak ko sanang magpunta sa MOA para mag-try.. baptismal certificate lang naman saka kasama na 20 pataas ang edad eh. Hindi ako nagbibiro, gusto ko talagang magpunta.. kaso wala namang sasama sakin. Nanay ko may check-up, busy mga ate ko nagtrarabaho at kuya ko naman nag-aaral. Pero nakita ko yung balita sa TV, sobrang daming tao.. ang haba ng pila, nagbago isip ko. Sa libo-libong teenagers na may edad 13-17 ang mag-aaudition, sobrang liit ng chansa mo na makuha at sayang lang yung oras mo at yung effort mo na maghintay. Simple lang naman ang gusto ko, ang maexperience yung buhay sa loob ng bahay ni Kuya. Pero buti na lang pumasok ako sa school kasi.. napakadami ng gagawin. Tambak na kagad yung mga projects na kelangan kong intindihin. Sa English, yung Research Paper at 10 book reports. Sa MA, yung musical play tapos portrait ng Romantic Composer. Ano pa ba? Iniiisip ko pa lang, nanlalata na ako. Kaya wag na muna.. sisimulan ko na lang yan paisa-isa para may matapos ako kahit papaano.
PS: May audition din sa January 13, sa mga interesado. :)




