RSS | Archive | Random

THE BLOGGER

desperate: reckless, hopeless, in distress.
damsel: young woman, maiden, poetic
Photobucket

Ella
-The real name of a peculiar girl with different personalities.
Into: Photography, Fashion, Poetry, Books & Literature
Not Into: Drawing & Dancing
Hobbies: Daydreaming, Stalking, Reading & Blogging
Dreams of: Becoming a Photographer/Model/Business Woman/Artist
Note: I'm unpredictable, moody and surprisingly blunt.

Caution: Don't hate. Don't judge. Just spread peace and love.

Tracking Tags

Ask me something.
Questions answered.
All about me.
I'm a bookworm.
Meet my family.
My Wishlist
Yummy food.
Poetry and stuff.
Photography
Daily dose of song.
Quotations.
Spread L.O.V.E
Fashion outfits.
Ten Day "You" Challenge
10 Day Challenge
10 Confessions
Reblogged Posts.
Random videos.
Memorable Chitchats.
12 April 12

Reblogged: sheamnessy

5 April 12

Takot magmahal. Takot masaktan.

Maraming tao ang hindi pa nakakaranas na ma-inlove. Maraming tao ang hindi  marunong magtiwala sa love. Ang mga bagay na nakapaligid sa isang tao ay nakaka-apekto kung bakit ayaw niyang magtiwala. Kung minsan, kaya lamang hindi pumapasok sa isang relasyon ang isang tao dahil sa takot na masaktan hindi lang dahil sa wala siyang tiwala. Kapag nagmahal ka kasi, handa ka dapat masaktan. Hindi porke’t nagmamahal ka, puro kasiyahan yung nararamdaman mo. Walang taong perpekto.. walang may perpektong buhay. Kaya hindi lahat ng relationships ay perpekto. 

Kahit ano pa man ang dahilan, kailangan nating maintindihan at respetuhin kung bakit ganun siya mag-isip. Dahil ba hinihintay niya yung Mr. Right? O yung perfect moment? O baka nagmamahal na siya pero hinihintay lang niya na mahalin siya nung taong mahal niya? O baka naman takot siya sa rejection? Maraming possibilities.. pero nabubuhay tayo sa mundo kung saan mahirap mahanap si Mr. Right, walang perfect moment, madalang yung pagkakaton na mahal ka ng taong mahal mo,  minsan kasi may mahal na siyang iba at hindi rin natin maiiwasan ang rejection. Ganyan kasakit pero kelangan nating tanggapin dahil yun ang totoo. 

Ano bang pakiramdam ng magmahal at mahalin? Yan ang karaniwang tanong na bumabagabag sa isang tao lalo na kapag siya’y nag-iisa. Pero paano mo malalaman kung hindi mo bibigyan ng pagkakataong maramdaman? Palagi ka na lang bang matatakot? Hindi ka na ba magkakaron ng tiwala sa sarili mo at sa ibang tao? Hindi mo ba babaguhin ang pag-iisip na kahit papaano, may posibilidad na magkaron ng happy ending sa totoong buhay?

(Source: desperatedamsel)

10 January 12

Unang Beses na Mapag-usapan.

  • Classmate: Habang tumatagal lalo ako naiinlove eh. Kaya kahit ayaw niya talaga, di ako mawawalan ng pag-asa.
  • Me: Kaya ka lalong naiinlove kasi nahihirapan ka! Challenge kasi para sa lalaki yun.
  • Classmate: Ganon ba yun kahit wala talaga pag-asa? Challenge pa ba tawag dun? Pero kahit ano mangyari, di ako susuko. Di ko lang 'to sinasabi, gagawin ko.
  • Me: Kapag ang lalaki kasi nahihirapan.. mas ginaganahan, mas nagugustuhan nila yun. Pero kapag tumagal na, mawawala yung feelings nila.
  • Classmate: Hindi lahat ganon.Yung iba naman kasi alam nilang magagalit yung babae pag pinilit pa nilang magustuhan sila.. hindi nawawala yung feelings.
  • Me: Hindi magagalit yung babae ~ sadyang alam nung lalaki na wala talagang pag-asa o nawala na yung feelings o kaya may iba na. Habang tumatagal, nawawala yung feelings, swear.. lalo na ka kapag lagi ka lang nasasaktan.
  • Classmate: Siguro nga nawawalan ng pag-asa.. pero dahil may iba talagang mahal yung babae.
  • Me: Pag may ibang mahal yung babae, hindi nawawala pag-asa mo. Ang tawag dun - pagpaparaya.
29 December 11

Pinaikling Liham.

Ella, 

As we always say “change for the better” pero para sakin di mo na kailangan maging better kasi para sakin best ka na. Sana tandaan mo ‘to: merong tao na nagmamahal sayo ng sobra sobra at siya ay nag-aantay na mahalin mo rin siya.

                                                         ______________________

Wala akong masabi nung binabasa ko yung buong sulat.. pero ito lang yung pinaka nakakuha ng atensyon ko kasi ito yung meaningful sa lahat. Hindi ko lang talaga akalain.

Change for the better, yan lagi yung sinusulat sa reco letters.. pero madalang lang ako makabasa ng ganyan sa mga sulat na natatangap ko. “Wag ka ng magbago,” yan ang nakikita ko kasi sabi nila, kung anuman ako ngayon, okay na ako.. wala na daw dapat baguhin. Totoo naman kaya? Pero dati lagi nilang sinasabi na bawasan ko ang pagiging pala-aral ko kasi matalino na daw ako at bawasan ang pagiging masungit. Pero yung i-consider ako na best? Ibang usapan na yan lalo na kung sa ibang tao manggagaling. Kung galing ‘to sa bestfriend ko o kaya naman sa pamilya ko, hindi ako magrereklamo.. kasi sila yung taong naniniwala sakin. Pero galing sa ibang tao? Lalo na sa lalaki? Parang hindi katanggap-tanggap. Bakit? Maraming mas mabait, mas maganda, mas talented at mas matalinong babae diyan.. ang dami mong pagpipilian, bakit ako?

May nagmamahal sayo, gusto kong marining yan kapag pakiramdam ko na walang nagmamahal sakin lalo na kapag nalulungkot ako. May nagmamahal sakin ng sobra-sobra? Unang reaksyon ko, “Weh? Di nga?” Pero sa totoo lang, nakakataba ng puso. Kaso sobra kasi eh.. masama yun, kasi lahat ng sobra, umaapaw at nasasayang lang, hindi ba?

Hindi ako yung tipo ng tao na kayang maghintay ng sobrang tagal kaya ito ang masasabi ko: Ang hirap maghintay lalo na kung hihintayin mong mahalin ka rin ng taong mahal mo. Pero humahanga lang ako sa taong nagsulat ng liham na ‘to.. dahil nagagawa niya yun para lang sa taong mahal niya.

14 August 11

Ba’t kaya kapag may gusto sayo ang isang tao wala kang gusto sa kanya?

Pag may gusto sayo ang isang tao at hindi mo siya gusto. Marahil, isa lang ang maaring maging dahilan nun: may iba kang tinitignan at may iba kang gusto. Ganun lang ka-simple yun. Yung iba kasi, mas pipiliin na gustuhin sila ng taong gusto nila, keysa pilitin nila yung sarili nila na magustuhan yung taong may gusto sa kanila. Ang gulo lang, di ba?

Pero kapag nagkagusto ka na sa kanya, wala na siyang gusto sayo? May pagkakataon na kasi sa huli na natin nakikita at naappreciate yung isang tao. Yung punto na nagsawa na siya sayo kasi di mo rin naman siya napapansin at dumating yung pagkakataon na nakahanap na siya ng iba. Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi. Parang naramdaman ko na nga ‘to eh. 

11 April 11

Handang iwan ka, dahil may mahal kang iba.

Ganitong klase ng tao ang mas hahangaan ng nakakarami kaysa sa yung tipo ng tao na iiwan ang iba, para mahalin ka. Isang salita ang magandang magpapaliwanag sa ganitong sitwasyon - pagpaparaya. Kung mahal ka talaga niya, handa siyang masaktan, makita ka lang niyang masaya.. kahit nasa piling ka ng iba. Hindi ka niya pipilitin na mahalin mo din siya, kasi alam niyang may mahal ka ng iba. Alam niyang dun ka masaya at magiging masaya na rin siya para sayo. Pag nagmahal ka, hindi mo namang maiiwasang masaktan. Konting tao na lang ang magagawa nito kasi mahirap magsakripisyo… ipapaubaya mo sa iba yung taong nagbibigay sayo ng kaligayahan. Isipin mo na lang, nakita mo silang magkasama… habang ikaw nag-iisa? Ang sakit. 

Themed by Hunson. Originally by Josh