Fontana Trip December 19-20
Marami akong na experience na first time dahil dito:
- Magpunta ng Fontana
- Makatuntong sa Pampanga (Nandito kasi yung Fontana, haha. Ano daw?)
- Makapag-stroll sa Marquee Mall
- Maka-inom ng Aloe Vera Juice (Iniinom na pala yun? Akala ko pinapahid lang!)
- Mag-sleeveless (Dahil t-shirt ang dala kong pangswimming at bawal yun..)
- Gumala kasama ang pamilya ng kaibigan ko (Take note: overnight pa ‘to at sagot pa lahat, food, entrance, etc..)
- Kumain nung noodles na Korean at hindi naman pala masama yung lasa. Akala ko kasi dati hindi masarap yun.
- Mag swimming sa Hot Spring Jacuzzi! Meron pala nun dito.. ngayon ko lang nalaman. Ang dami pang version.. Ginseng Therapy, Aroma Therapy, etc.. (Inosente ako, sa movies ko lang nakikita yun eh, haha)
- Magpunta sa casino pero hindi kami nakapasok sa loob.
- Walang sawang picturan at kodakan!
Aayusin ko lang ang utak ko at ibloblog ko ‘to in full details!




