Uunahan ko na kayo, hindi ko siya boyfriend o kung ano pa man kaya wag kayong mag-isip ng malisya. Gusto ko lang ididedicate to sa kanya kasi nakita ko ‘tong 15 Day Crush Challenge at wala akong magawa.. ito ang kinalabasan, gagawin kong isang post na lahat. Lilinawin ko na din, naging crush ko siya pero di ko siya crush ngayon… dati lang yun.
- What is his name/nickname? Audie Reyes
- When did I first meet him? Matagal na kaming magka-schoolmate pero nung grade 6 lang talaga kami nagkakilala kasi magkaklase kami at naging seatmates.
- Where did I first meet him? Sa school, St. Paul School of Sta. Maria to be exact.
- What do I like about his physical appearance? Ahem, siguro yung malalim niyang dimples kasi konti lang ang may ganon.
- What do I like about his personality? Yung pagiging gentleman niya. Yung may tinatago siyang kalokohan kahit na laging seryoso ang itsura niya. Yung pagiging confident niya. At higit sa lahat, he reminds me of Sir Dex!
- Post a quote that reminds me of him: Pwde bang one word na lang, wala akong maisip eh: Sampanaw!
- Post the lyrics of a song that reminds me of him: I know it makes no sense but what else can I do.. how can I move on when I’m still in love with you? Actually yung buong kanta na The Man Who Can’t Be Moved by The Script kasi siya yung nagsuggest sakin nun dati at siya na din ang nagpakilala sakin ng The Script.
- Will I ever date him? Uhmm, ewan. Siguro.
- Describe my feelings for him: Siya lang ata ang bukod tanging naging crush ko ng seryoso at maraming may alam nun, haha. Yun lang ata masasabi ko. At naging awkward ang lahat nung grade 6 kasi umamin siya sakin na may gusto siya sakin at since then, hindi na kami nag-usap, haha!
- What is my favorite memory of him? Nung may nagbigay sakin ng Ferrero, pumunta siya ng Mercury at bumili ng Toblerone kasi may nagsabi sa kanya na mas gusto ko ang Toblerone. Nung pinakasal kami sa marriage booth tapos umarte siya na parang divorce na kami at nakuhanan pa yun ng video.. nakakatawa yun pag naalala ko.
- Write a letter to him: Hindi naman siguro kailangan mahaba. Ito siguro masasabi ko: Thank you sa lahat ng memories na meron ako dahil sayo, sorry sa lahat ng mga kasalanan ko sayo, sa pagsusungit at hindi pagpansin. I just wish for the best and goodluck sa college life! I hope we meet again.
- Is he the type of person you usually fall for? Why/why not? That would be a yes. Kasi wala ka na naman sigurong hihilingin pa sa kanya, di ba? Mabait, may itsura, gentleman.. hindi ko na siguro kailangang isa-isahin pa yung positive traits niya.
- Is there anything I dislike about him? Yung pag nababalitaan ko na nagkakasalubong kami sa corridors o nagkikita kami, akala niya lagi na lang ako nang-iirap at iniirapan ko siya. Seryoso? Bakit ko naman gagawin yun?
- Write them a poem/song: Mahirap ‘to.. pero habang sinusulat ko yung recent kong poem, bigla na lang siya pumasok sa kokote ko. Ito oh, natatawa ako sa sarili ko, tssk.
- Compliment him and post his reply: Kunwari siya kaharap ko pero wag na nating ilagay ang reply niya. Like I always say, lagi kang ngingiti kasi sayang yung dimples mo.. konti lang ang binigyan ni Lord niyan. Saka why are you such a gentleman? Last year ng highschool, lumakas din ang appeal mo at dumami ang nagkaron ng crush sayo. Ayun lang.
Sinagot ko yung mga tanong as honest as possible. Ayoko namang lokohin yung sarili ko kasi challenge nga, di ba? Pero kung may makabasa man nito na nakakilala sakin.. kung may gusto pa kayong itanong, feel free to ask. Nga pala, never naging kami dahil walang ligawang nangyari. Pero alam ng mga kapamilya ko ang storya na ‘to. Nung graduation at nung gratitude day, hinanap pa ni Ate si Audie.. akala nila may something pa din pero sinabi ko lang na may nililigawang iba yung tao kaya tumigil din sila. Friends kami. O siguro acquaintance lang kasi di naman kami nag-uusap at nung graduation na ang last day na magkikita kami? May pagkakaiba ba yun? May picture kami nung graduation kasi nung nabanggit na naman siya ni ate, nasa likod lang pala si Audie kasama ang ate niya… kaya ayan! Natatawa pa ako sa comment ni Ate kasi may chemistry daw at kailangan daw akong panagutan. Nung una, di ko gets pero tignan niyo na lang yung picture. :)





