Ito yung sinuot ko nung Green Day namin. Baliw talaga ako eh, biruan mo ba naman na magsuot ng skirt sa ganitong okasyon. Wala kasi talaga akong balak pumasok, wala kasi akong green shirt. Yung sinuot ko nung isang taon, maliit na sakin, ang sagwa tignan kasi bitin na. Kaya naisipan kong suotin ‘to, hiniram ko lang sa ate ko yung top at cardigan. Yung skirt, akin talaga. Pag pasok ko pa lang ng school nun, ang tanong na kagad sakin, “Bakit hindi ka naka-green?” Eh yung cardigan, sa paningin ko, green naman siya. Nung nakita ko ‘tong picture, parang hindi pala talaga green.
PS: May nanunukso pa sakin nun. May tumawag sakin ng “Lola”, hindi ko alam kung bakit.. pero dahil na rin siguro sa suot ko dahil na rin siguro dun sa print at design ng skirt ko. Pero keri lang, choice kong isuot ‘to eh.. pinanindigan ko na! :)
Photo by: Wesley